Sa kasikatan ni Efren, natatakot ako dahil baka nanganganib ang buhay n'ya, lalo na sa mga politiko. Narito ang aking mga dahilan kung bakit ako nangangamba:
- Kailangang mag-fund raising ang mga politiko.
- Walang pakinabang ang mga politiko sa constituents ni Efren; masyado pa silang bata para bumoto.
- Walang politiko ang pinayagang umakyat ng stage habang tinatanggap ni Efren ang tropeo.
- Natunugang niyaya siyang maging running mate ni Mangudadatu.
- Walang bonggang handaan pagbalik n'ya dito sa 'Pinas; ang akala ng mga politiko'y na-snob sila't hindi naimbitahan sa selebrasyon ni Efren.
- Malulugi ang Camella Homes sa squatters' area na pinupuntahan ni Efren.
- Mapapatunayang tama si Chiz -- hindi kailangan ng partido para manalo.
- Lumabas na wala naman talagang na-accomplish si GMA, lalo na sa larangan ng edukasyon.
- Tama na ang isang Noynoy na biglang sikat.
At ang huling dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ni Efren mula sa mga politiko:
- Ipinakita n'yang hindi naman kailangang tumakbo sa politika para makapaglingkod.
No comments:
Post a Comment