Priest likens GMA's decent to Jesus Christ
- Philippine Daily InquirerNang mabasa ko sa d'yaryo ito parang gusto kong mag-iba ng relihiyon. O kung naging Papa lang ako, baka na-ekskomunikado ko na ang paring 'yun. "Blasphemy", 'ika nga ni Arsobispo Pablo David. Well, kapatid 'yun ni Randy, kaya, marahil, ganoon ang pananalita n'ya.
Kaso, baka nga naman may punto ang Arsobispo. Ikumpara ba naman si GMA kay Kristo. Baket?
'Eto, sa aking palagay, ang sampung dahilan kung bakit ibang-iba si GMA kay Kristo:
- Binuhay ni Kristo si Lazarus; binuhay ni GMA si Ampatuan.
- Bumaba si Kristo sa lupa para mamatay at maging kabayaran sa ating mga kasalanan; bumaba si GMA sa pwesto para magtago sa kanyang mga kasalanan.
- Pinagpipilitan ni Kristo na ang kaharian N'ya ay hindi dito sa lupa; pinagpipilitan ni GMA upang maging hari (reyna) s'ya sa isang maliit na lupa.
- Gumagawa si Kristo ayon sa tama, at hindi ayon sa kagustuhan ng nakararami; gumagawa si GMA para maka-score s'ya ng "pogi points".
- Inaaway ni Kristo ang mga lider upang sila ay magbago; pinalayaw ni GMA ang mga lider upang sila ay hindi magbago sa pagsuporta sa kanya.
- Sa tatlong taong pampublikong pamumuhay ni Kristo, iisang damit lang ang dinala N'ya patungong langit; sa siyam na taong pagiging presidente ni GMA, halos walumpung milyong piso ang naidagdag sa kanya, na dadalhin n'ya sa Lubao.
- Sa limang tinapay at dalawang isda, napakain ni Kristo ang libo-libong tao; sa halagang halos isang milyong piso, si GMA at ang kanyang mga kasamahan (halos tatlumpo sila) ay kumain sa isang restoran sa New York.
- Sinabi ni Kristo, "Maglalaho ang langit at lupa, pero hindi ang salita Ko." Sinabi ni GMA, "Hindi ako tatakbo sa pagkapangulo sa 2004."
- Hindi nandaya si Kristo noong nagkaroon ng halalan, sa pagitan N'ya at ni Barabas; paano na-zero si FPJ sa Mindanao?
At ang huling dahilan kung bakit hindi magkaparehas sina Kristo at GMA: - Hindi nagsabi si Kristo ng, "Hello, Ponti?"
No comments:
Post a Comment