Monday, 29 Mar, 9:46 am
P*#% talaga, oo! Asar na naman ako.
Sabi ni bossing may darating na shipment ngayong Biyernes, kaya dapat readily available ako. Baka raw magkaroon ng aberya.
Naman! Biyernes Santo 'yun! Pagtratrabahuhin ako?
Saka, paano na 'yung tradisyon naming pamilya 'pag ganitong Holy Week? Taon-taon pumupunta kami sa Hongkong. Minsan lang kami pumalya, nang magkaroon ng SARS doon. Kaya sa Singapore kami nagtuloy.
Matagal na rin naming plinano itong lakad namin. Tapos, ngayon, ma-u-udlot pa! Bwiset!
Monday, 29 Mar, 2:17 pm
Nakiusap ako kay bossing na kung pwede akong mag-out of town sa Mahal na Araw, pero lagi kong ididikit sa akin ang aking cell phone, at kung kinakailanga'y luluwas ako ng Maynila agad-agad. Buti nama't pumayag s'ya.
Ang problema, by this time, wala na'ng makukuhang hotel sa Boracay, Bantayan Island sa Cebu, o kahit sa Baguio. Biglaan naman kasi itong abiso ni bossing.
Hihiramin ko na lang 'yung bahay-bakasyunan ng aking kaibigan sa Batangas. Malapit lang sa beach, may kuryente, may cable, at may Internet pa. Siguradong hindi kami ma-bo-bore doon.
Uuwi pala ako ng maaga mam'ya. Mag-a-attend kami ni Misis ng Recollection dito sa may simbahan. Paghahanda daw sa darating na Mahal na Araw.
Monday, 29 Mar, 11:05 pm
Kararating lang namin mula sa Recollection. Isang nagngangalang Arun Gogna ang speaker. Tawa ng tawa ang mga tao, pero, ako, tingin ko, corny s'ya. Kaya ko rin namang magsalita tulad n'ya.
Ang sabi ni Arun, araw-araw ay namimili tayo ng krus: ang kay Dimas o ang kay Hestas. Pero, hindi ko na masyadong maalala 'yung mga detalye. Hindi ko nga kilala kung sino sina Dimas at Hestas.
Siguro, kung ang pinag-usapan ay kung sino ang mas magandang Darna, si Marian Rivera o Angel Locsin, baka mas naging interesado pa ako.
Tuesday, 30 Mar, 10:01 am
Nakausap ko ang aking kaibiga't pumayag s'yang gamitin namin ang kan'yang bahay sa Batangas. Siguradong matutuwa ang pamilya ko nito! Bida na naman ako sa kanila.
Tuesday, 30 Mar, 3:35 pm
Balita ko'y meron daw video si Anne Curtis, kung saan nahubaran s'ya ng bikini. Kailangang mapanood ito sa Huwebes, para maisama ko sa aking pangungumpisal sa Biyernes.
Wednesday, 31 Mar, 12:23 pm
Maaga raw magpapauwi ang opisina. Alas-tres pa lang p'wede na raw kaming umalis.
Ha?! Maaga ba 'yun? Ang maaga, 'yung half-day!
Hindi ko naman alam sa opisinang ito kung naiintindihan nila ang salitang "maaga". Nagpauwi pa sila ng alas-tres, eh, dalawang oras na lang uwian na talaga.
Hay, naku!
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Tuesday, March 30, 2010
Gradweyt (Ulit!) Si Bunso
Itong nakaraang Biyernes, nag-graduate ulit si Bunso. Noong nakaraang taon, nag-graduate na siya ng Grade 6 sa Maria Montessori. Inisip namin na mas maganda kung mag-Grade 7 pa s'ya; hindi naman dapat madaliin ang bata.
Sa International Christian Academy namin s'ya naipasok. Very religious ang paaralang ito. Kung baga, kung ang isang Catholic school ay madalas magdasal ng rosaryo, dito naman Fellowship ang kanilang ginagawa.
Isang award ang ibinibigay ng eskwelahan ay ang Sonshine Kid ('yun po ang ispeling), kung saan ang bata ay may mataas na grado sa conduct at walang line of 7 sa iba pa n'yang subjects. May award ang bata kung naging Sonshine Kid siya mula first quarter hanggang fourth.
Ang aking anak ay naging Sonshine Kid itong third at fourth quarters lamang; mataas ang grade n'ya sa Conduct sa ibang quarters, may line of 7 nga lang sa ibang subjects. Nanghihinayang din talaga 'yung kanyang adviser dahil napakataas ng conduct grade n'ya.
Pero, bago pa man dumating 'yung Biyernes, kahit na confident kaming gra-graduate s'ya, hindi pa rin maalis sa aming mag-asawa, at sa aking anak, na baka sumabit s'ya. Kaya nang sinabihan si Bunso na magmamartsa s'ya, laking tuwa na lang n'ya. Sinabihan din s'ya ng adviser na Sonshine Kid pa rin s'ya, nguni't hindi s'ya makakatanggap ng award sa graduation rites. Okay lang, naisip ng aking anak. Una, makakapagtapos s'ya. At ikalawa, Sonshine Kid pa rin s'ya.
Bigla kong naisip: ano nga ba ang mas importante? 'Yung makakuha s'ya ng academic honors o Sonshine Kid?
Maraming magulang ang gusto'y mataas ang grado ng kanilang mga anak. Kung ang bata'y nakakuha ng 90% sa eksam, tatanungin ng mga magulang kung bakit hindi s'ya nakakuha ng 100%.
Kaya, maaga pa lang, natututunan na ng bata ang competition. Isinasabak na agad natin sila sa rat race. Kasi, ang paniniwala natin, magiging successful ang bata 'pag successful din s'ya sa eskwelahan. Yayaman s'ya 'pag nasa top ng klase. Magiging maligaya s'ya sa buhay 'pag s'ya ang number 1, 'di lamang sa paaralan kun'di pati sa ibang larangan ng buhay.
Kasi, 'pag mataas nga ang kanyang mga grado, maaari s'yang mag-duktor, engineer, o lawyer, mga kursong magbibigay ng magandang trabaho't malaking pera.
'Pag s'ya ang nasa top, titingalain s'ya ng mga tao, igagalang s'ya, rerespetuhin.
Lalo na kung mayaman s'ya.
Hindi naman dahil ako'y nag-sa-sour graping, pero sa tanda ko na'ng ito, nalaman ko na magiging masaya ang isang tao kung susundin n'ya ang kanyang passion. Hindi 'yung ipinilit sa kanya. Hindi 'yung ginagawa n'ya ang isang bagay para lang kumita. Hindi 'yung hanap n'ya ay ang approval ng ibang tao.
Alam ko namang ang grado sa Conduct ay isang subjective perception. Walang test, assignment, o seat work na magsasabing nakakuha ka ng 80 out of 100. Hindi rin ito basta-basta napag-aaralan sa loob ng classroom. Hindi pwede ang cramming dito.
Kasi, nagsisimulang pag-aralan ang mabuting asal sa loob ng tahanan, 'pag bata ka pa lang.
At matatapos ka kung ika'y gra-'graduate' na sa mundo.
Kay Bunso, congratulations, I'm proud of you!
Sunday, March 28, 2010
Diary of a Pharisee (Part 1)
Saturday, 27 Mar, 9:35 pm
Katatapos lang ng Earth Hour. Salamat naman!
Napilitan kaming makisama, nakakahiya kasi sa subdivision kung kami lang ang may bukas na ilaw. Kaya, pagdating ng 8:30, nagpatay na kami ng mga ilaw. Ilaw lang. Bukas pa rin ang mga air-con (sa kwarto namin, sa tig-isang kwarto ng dalawa kong anak, at sa maid's quarter), ang TV, at dalawang PC. Siyempre, nagalit si Misis. Parang bale wala naman daw kung hindi namin papatayin ang lahat ng gumagamit ng kuryente. Kaya, ayun, pinagpapatay ko ang lahat ng air-con, TV, at PC. Sa asar ko, pati ref pinatay ko na rin.
Reklamo naman ang mga bata. Mainit nga naman. Kaya naisip ko ang mag-hotel kami. Kaso, nalaman kong magpapatay din sila ng ilaw, kaya, 'di bale na lang.
Kung dun naman sa lugar na nagsasabing "no brownouts", baka manlaki ang mata ng mga suki ko doon kung makikita nila na ang mga kasama kong teen-agers ay sa likod nakaupo at hindi sa aking tabi.
Kaya sinabi ko sa aking pamilya na sumakay sa aming Ford F-1 at doon magpalamig.
Binuksan ko ang air-con ng kotse habang kami ay nasa loob. Dahil kulob ang aming garahe, amoy na amoy namin ang usok ng sasakyan. Kaya inilabas ko ito at pumarada mga limang bahay ang layo sa amin. 'Di bale, kaaway ko naman ang may-ari ng bahay. Ang yabang kasi! Kelan lang, pina-bullet proof n'ya ang kanyang Nissan Terrano, Pajero, at Fortuner. Fortuner?! Pati pa ba 'yun isinali? Eh, katulong lang naman ang sumasakay doon. Ang yabang talaga!
Halos isang oras kami sa loob ng sasakyan. Buti na lang at may tig-iisang PSP kami, pampalipas ng oras.
Sunday, 28 Mar, 7:15 am
Araw ng Palaspas ngayon. Matagal ko na ring pinaghandaan ang araw na ito. Malalago na ang mga dahon ng aking palm tree na dadalhin namin sa simbahan. Isinakay ko ito sa kotse, at magaan naman. Mam'ya, kaya na nina Inday at Misis bitbitin ito, at iwagayway, habang binebendisyunan ng pari ang mga palaspas.
Nakalagay sa paso ang aking palm tree, at hindi lang basta paso. Isa itong tunay, genuine, at authentic na Chinese vase, 'di tulad ng nabibili d'yan sa tabi-tabi ng SM. Sa tagiliran ng aking vase ay may malaking nakasulat, in bold letters, na Made in USA.
Sa SM, 'pag tinignan mo ang ilalim ng kanilang mga vase, ang makikita mo ay Made in China.
Sunday, 28 Mar, 10:05 am
Caritas Sunday ngayon, kaya naghanda ako ng personal check (para malaman ng Caritas kung kanino galing ang pera) na s'ya sanang ihuhulog ko sa Offertory. Kaso, hindi naman sila nagsabi na ang koleksyon ay para sa Caritas, kaya hinitay ko na lang matapos ang misa.
Nilapitan ko si Father, pagkatapos ng misa, kahit maraming taong nakapaligid sa kanya upang magmano. Kala n'ya pati ako'y magmamano, pero, sinabi ko sa kanya, na may malakas na boses, na may abuloy ako para sa Caritas. Kaso, masyado s'yang busy kaya't sinabi na lang n'yang ibigay na lang sa mga manang na nag-aayos ng mga gamit.
Natuwa naman ako.
Nilapitan ko ang mga manang at sinabing may tseke ako para sa Caritas. S'yempre, pinakita ko sa kanila ang halaga ng tseke: five hundred pesoses. Ngayon, 'pag magkakasalubong kami sa SM, sigurado akong iisipin nilang, "'yun 'yung mamang nagbigay ng malaking halaga sa Caritas!"

Sunday, March 21, 2010
S'ya Ang Unang Pumukol Ng Bato (Ang Pagpapalibing Kay Marcos Sa LnmB, Part 3
Ang binasa sa misa ngayon ay tungkol sa babaeng nahuling nangangalunya at iniharap kay Hesus upang husgahan. Ang sagot ni Hesus sa mga tao, "Kung sino ang walang kasalanan, s'ya ang unang pumukol ng bato."
Nag-alisan ang mga tao, mula sa matatanda hanggang sa mga bata, hanggang sa wala nang natira, maliban sa babae at si Hesus. Sabi ni Hesus sa kanya, "Kung walang magkokondena sa 'yo, hindi rin kita kokondenahin. Humayo ka't 'wag ka nang magkasala ulit."
Bigla kong naisip: mukhang applicable ang kwentong ito sa pinag-uusapan ko tungkol sa pagpalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Move on.
Sinasabi ni Bongbong na dapat ay mag-move on na si Noynoy, na magdesisyon ang huli ayon sa katwiran at hindi ayon sa emosyon. Tutal, karapatan ng ama ni Bongbong ang malibing sa LnmB.
Ganoon na lang ba? "Move on?" Kung kaya ni Noynoy 'yun, paano naman 'yung ibang naagrabiyado, pinasakitan, at napatay noong panahon ni Marcos?
Siguro nga, dapat mag-move on na tayo. Pero, parang kulang. Kaya, noong narinig ko ang kwento ng nahuling babae, biglang bumalik sa isipan ko ang isyung pagpapalibing kay Marcos sa LnmB.
So, ano ngayon ang pagkakahawig ng kwentong ito at ni Marcos?
Hindi binago ni Hesus ang batas.
Hindi sinabi ni Hesus na, "Kalimutan na lang natin ang batas na 'yan, tutal, may bago na. Let's move on."
Ang sabi N'ya, "Ok, nagkasala s'ya. Ang parusa'y patayin s'ya. Sige, ituloy n'yo. Kaso, siguraduhin n'yo lang na 'yun talaga ang gusto n'yong mangyari dahil 'yun ang dapat, at hindi dahil sa pansariling interes."
Ngayon naman, kung talagang may K si Marcos ipalibing sa LnmB, go ahead!
Pero, kung wala, dahil sa mga pinaggagagawa n'ya noong pangulo pa siya, o sa mga hindi n'ya nagawa noong sundalo s'ya, eh, 'wag nang ipagpilitan, at sasabihing, "let's move on" na lang.
Kasi, hindi pa naman nababago ang batas -- naiintindihan natin ang mga salitang "kasalanan" at "bayani". At hindi sila bagay magkasama.
Hindi binale wala ni Hesus ang kasalanan ng babae.
Maliwanag, mga kaibigan, na kahit hindi kinondena ni Hesus ang babae, pinagsabihan naman N'ya na 'wag nang magkasala muli.
By tradition, kinikilala ng mga Katoliko na ang babaeng ito ay si Maria Magdalena. Siyempre, hindi naman nangangahulugang tama ito. Sa katunayan, sa tingin ko, mas mali ang isiping si Maria Magdalena nga iyon kesa tama.
Pero, assume natin na si Magdalena nga 'yung babae. Ano ang nangyari sa kanya pagkatapos nito? 'Di ba, kay Magdalena unang nagpakita si Hesus ng S'ya ay muling mabuhay? Kaya, masasabi nating hindi na muling nagkasala ang babaeng iniharap kay Hesus.
Ngayon, kung hindi naman si Magdalena 'yun, marahil hindi na rin nagkasala 'yung babae. Isipin n'yo, muntik na s'yang matigok, tapos, babalikan pa n'ya ulit ang kanyang pamumuhay. Eh, baka, 'di na s'ya makaligtas. Masakit ding tamaan ng bato.
Ngayon, sa dako naman ni Marcos, s'yempre, 'di na n'ya magagawa'ng magbago -- patay na s'ya, eh.
Pero, ang pamilya naman n'ya ay maaari pang may gawin para mapatawad, 'di lamang sila kun'di pati na rin si Ferdie. At hindi lang basta "sorry", kalimutan na. Dapat may reparation din.
Tignan lang natin ang ehemplo ni Levi (na inaakala ring si San Mateo, isa sa mga apostoles at sumulat ng Ebanghelyo). Sabi ni Levi, "Isosoli ko lahat ng ninakaw ko, at ibibigay ko ang kalahati ng aking kayamanan sa mga mahihirap."
'Yan ang tunay na nag-so-sorry.
Ngayon, kung itatanggi naman ni Bongbong na may ginawang pagnanakaw o anumang kasalanan ang kanyang ama, nasa kanya na 'yun. Wala naman akong first hand information para pagbintangan si Marcos na nagnakaw o nagkasala talaga s'ya.
Ang D'yos lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat.
Pero, kung merong alam si Bongbong....
Unang nasipag-alisan ang mga matatanda.
Marahil, pag-alis ng mga matatanda, lumingon sila't nakitang naroon pa ang kanilang mga anak, may hawak pang mga bato. Sabi nila, "Psst! Halika na nga rito't umuwi ka na! 'Wag ka nang aaligid-aligid pa d'yan! At bitawan mo na 'yang batong hawak mo, kun'di, ikaw ang babatuhin ko."
Sa mga usap-usapan sa Internet, marami ang nagsasabing dapat ay mailibing na si Marcos sa LnmB. Mga bata pa, kadalasan, ang mga nagsasabi nito. Siguro, wala pang tatlumpong taon ang edad.
Kumbaga, noong kasalukuyang nagaganap ang EDSA I, hindi pa nila naiintindihan ang bakit nangyayari 'yun. Kaya, malamang, hindi nila alam kung ano ang nangyari sa panahon ni Marcos.
Hindi nila naramdaman ang takot na baka bigla na lang silang damputi't kasuhang isang subersibo, ipakulong, rape-pin, at ipapatay.
Hindi nila naramdaman ang inis pagdating ng eleks'yon dahil hindi naman mabibilang ang kanilang boto lalo na kung ang nakasulat sa balota ay pangalan ng oposisyon, gaya ng pangalang "Benigno Aquino Jr."
Hindi nila naramdaman ang kawalang pag-asang umunlad dahil baka pag-intersan ng crony ang kanilang kabuhayan at biglang mawala lahat ang kanilang pinaghirapan.
At d'yan papasok tayong mga matatanda. Gaya noong panahon ni Hesus, tayo rin ay dapat magpaalala sa mga nakababata kung ano ang panahon ni Marcos.
Dahil, kung hindi, history will repeat itself, 'ika nga.
Na s'yang nangyayari ngayon.
"Kung sino ang walang kasalanan, s'ya ang unang pumukol ng bato."
Hindi ako ang unang magsasabi kung dapat o hindi dapat malibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil hindi naman ako diretsahang naapektuhan n'ya. Tignin ko, kahit si Bongbong, 'di dapat n'ya ipagpilitan ito.
Pero, merong mga taong "walang kasalanan" na may karapatang magsabing 'wag dapat ilibing si Marcos sa LnmB.
At ang isa nang naiisip ko ay si Noynoy.

Saturday, March 20, 2010
Ayaw Na Ni Noynoy (Ang Pagpapalibing Kay Marcos Sa LnmB, Part 2)
Isang mambabasa ang nagbigay ng kanyang komento tungkol sa isinulat kong balak ni Noynoy ipalibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Hindi ko alam kung galit s'ya o nagbibiro, dahil kahit n'ya sinabing napaka-biased nitong aking blog at dapat maging open-minded ako, may kasunod naman smiley sa kanyang comment.
Nguni't hindi na mahalaga ang sinabi n'ya tungkol sa akin. You can't please them all, 'ika nga ng isang cliche. Ang importante'y isinulat n'ya na tama si Noynoy, dapat ngang sa Libingan ng mga Bayani mapunta si Marcos dahil s'ya ang "still best president ever been appointed as the president".
Ang problema, sinabi ni Noynoy na walang K si Marcos makatabi ang mga sundalong namatay dahil hindi inisip ang kanilang mga sarili.
Paano na ngayon 'yan? Bumaligtad si Noynoy?
Una sa lahat, malaman nga natin, ano nga ba ang sinabi ni Noynoy sa Isabela? Ayon sa official blog ni Noynoy, sinabi n'ya na dapat pag-usapan ang pagpapalibing kay Marcos sa LnmB, at kung pumayag ang nakararami, eh, 'di, ibigay ang hilig.
Ikalawa, malinaw naman kay Bongbong na ang sinabi noon ni Noynoy ay ang pagbuo ng isang komisyon upang pag-aralan ito, at hindi nag-commit si Noynoy sa anumang pagpapalibing.
At, ikatlo, sinabi ni Noynoy sa Isabela na meron s'yang sariling opinyon tungkol sa isyu, at, marahil, 'yang opinyon na 'yan ang naibulalas n'ya matapos ang selebrasyon ng EDSA 1 noong nakaraang buwan.
Kaya, lumalabas, consistent si Noynoy.
Ang kaso, kung ano-ano ang naging interpretasyon ng mga tao.
Pati ako. Kaya, mea culpa.
Ngayon, ang tanong, tama nga lang ba na ipalibing si Marcos kasama ng mga dating Pangulong Garcia at Macapagal? Ano sa palagay n'yo?

Thursday, March 18, 2010
Chief Just-tiis
May tatlong branches ang gobyerno ng 'Pinas: ang Executive, and Legislative, at ang Judicial. Ideally, pantay-pantay ang mga ito. Kaso, kung minsan, umiiral ang Golden Rule -- He who has the gold, rules. Sa tatlong branches na'to, ang Legislative ang s'yang nag-a-approve ng budget ng pamahalaan. Kaya, kung ayaw nila sa'yo, babawasan nila ang mananakaw, este, magagastos mo.
Kaso, may ilan taon na ring napapasa ang budget na hindi naman nauusisa ng mga kongresista't senador. Basta't naroon ang pork barrel nila, hindi nabawasan at sa halip ay nadagdagan pa, pasado na ang budget.
Ang Executive branch naman ang taga-patay (execute) ng mga proyektong makakatulong sa bansa.
At ang Judicial branch ang makapagsasabi kung tama o mali ang ginagawa nitong dalawa. Kaya, pwede nilang ipatigil ang anumang ginagawa ng ibang dalawang branches.
Maaari ring ipakulong ng Judiciary ang mga nasa Executive at Legislative; kasuhan lang nila ng "contempt in court", yari na ang mga ito.
Sa katunayan, hangga't hindi na-swe-swear in ang isang tao sa pagkapangulo, hindi pa siya pwedeng maupo sa pwesto. Tignan n'yo ang nangyari kina Tita Cory at GMA. Kailangang may Supreme Court Justice muna bago nasabing naging matagumpay ang People Power. Kung baga, sa aming mga Katoliko, kung walang pari, walang kasal.
Kaya rin siguro hindi naglakas-loob sina Enrile at Ramos mag-take over kay Marcos; baka nga hindi sila pansinin ng sinumang SC Justice, kahit na si Teehankee, lagot sila. Baka dedo na sila ngayon.
Kaya, kung tutuusin, ang Judiciary ang pinaka-"powerful" sa tatlong branches.
Kung baga, parang Chief Justice, the first among equals.
Pero, teka, paano yan? Eh, ang presidente ang nag-a-appoint sa mga Justice ng Supreme Court. 'Di kaya umiral dito ang "scratch my back and I'll scratch your back"? Actually, 'yan ang laging kinakatakutan ng mga tao t'wing may mababakante sa Supreme Court, lalo na kung ang bakante ay ang sa Chief Justice.
So, ibig bang sabihin, mas "mataas" ang Executive kesa sa Judiciary? Hindi naman. Siguro, ang ibig sabihin lang, mas "mataas" ang pangulo kesa sa Judiciary.
Kaya nga kay raming gustong tumakbo.
Marami nang naging usapan tungkol sa inaasahang pagkabakante ng posisyon ng Chief Justice ngayong ika-17 ng Mayo (isang linggo matapos nating ihalal ang bagong pangulo). Pero, 'yan ay moot and academic na nang magdeklara ang Supreme Court na maaaring mag-appoint si GMA kahit na kulang ng dalawang buwan na lang ang nalalabi sa kanyang termino.
Sa tingin ko, hindi naman magkakagulo ng ganito kung ang mag-de-desisyon ay kilala nating may delikadesa, may integridad. 'Yung tipong alam natin na wala namang itinatago, at ang kapakanan lamang ng bansa ang iniisip. Kaso, sa siyam na taong panunungkulan ni GMA, hindi ma-imagine ng mga tao na magiging prudent ang pagpili n'ya.
Kaya, mga giliw kong mambabasa, ating bantayang mabuti ang isang malaking desisyong ito ni GMA, kasing higpit ng ating gagawing pagbabantay sa ating boto sa darating na eleksyon.
Kasi, kung hindi, baka mabale-wala rin ang ating boto.

Sunday, March 14, 2010
The Prodigal Son
Ang isa sa pinaka-sikat na parable ni Kristo ay ang tungkol sa alibuhang anak, o the prodigal son. 'Yun 'yung tungkol sa isang anak na hiningi ang kanyang mana kahit buhay pa ang kanyang ama, tapos inubos ng gan'un-gan'un lang, at bumalik sa kanyang ama. Isang kwento ito upang ipakita kung gaano mapagpatawad ang Diyos Ama kahit na ano pa mang kabalastugan ang ating ginawa.
Ito rin ang kwentong nakakabagabag sa akin. Kasi bitin.
Sa totoo lang, panig ako sa nakakatandang kapatid; may point s'ya sa kanyang reklamo sa kanyang tatay. Bakit nga naman, s'ya 'yung nagpaka-martir na magsilbi sa ama, sundin ang lahat ng pinagagawa, pero ni kambing hindi binigyan para gawing pulutan ng kan'yang barkada? Tapos, hetong pasaway na bunso, matapos na lustayin ang perang ibinigay sa kanya, tapos na bigyan ng kahihiyan ang ama, babalik-balik ng bahay, ay pinagpiyestahan pa ang kanyang pagbabalik. 'Yun nga ba ang gantimpala sa 'di pagsunod? 'Yun ba ang parusa sa mabait na anak?
Hindi rin ako satisfied sa sagot ng ama. "Magsaya tayo sapagka't bumalik ang iyong kapatid." Siguro, naisip ng nakakatanda, "Ngek! Eh, mabuti pa nga sanang naglaho na ng tuluyan 'yang anak n'yo, tapos sasabihin n'yo akong magsaya dahil bumalik s'ya? No way, hi-way!"
Dahil nga bitin, tuloy, ang dami kong tanong. Pumasok ba si kuya sa bahay at pina-evict si bunso? Nang magkasalubong ang magkapatid, 'di kaya sila nagsapakan? Paano naman si Tatay? 'Di kaya gumulo ang buhay n'ya't nagsisi dahil sa pagtanggap kay bunso? Humati pa kaya si bunso sa mana nang mamatay ang ama?
Kahapon, sa sermon ng pari, medyo naliwanagan ako. Sabi n'ya, talagang bitin ang kwento. Kasi, tayo ang tatapos. Tayo ang magbibigay ng ending. Tayo ang masasabi kung magiging masaya o malungkot ang kwento.
Kasi, tayo 'yung lahat ng karakter sa kwento.
Siyempre, hindi maikakaila na tulad ng bunsong anak, nagkasala rin tayo. At, sana, tulad ng bunsong anak, matanto natin ang ating pagkakamali, bumalik sa Ama, at humingi ng tawad.
Tayo rin ang ama, na naging biktima rin ng ibang tao, lalo na ng mga mahal natin sa buhay. Sana, matuto rin tayong magpatawad at tanggapin muli ng walang alinlangan ang mga taong bumabalik sa atin.
At tayo rin ang kuya. Masunurin. Umiiwas magkasala. Righteous.
Kung minsan, nagtatanong din tayo. Bakit 'yung mga nangungurakot, 'yung mga nagnanakaw, 'yung mga nang-aapi, bakit sila pa ang parang binibiyayaan ng Diyos? Sila pa ang parang walang problema sa buhay? Sila pa ang parang mas may karapatan sa mundo?
Parang sila lang ang anak ng Diyos?
Kung ikaw ang ginahasa ni Romy Jalosjos, tapos makita mo s'yang pinalaya, 'di ba parang mararamdaman mo rin ang naramdaman ng kuya?
Kung ikaw ang isa sa mga kapatid ng pinatay sa Ampatuan, 'di ba gusto mo nang maglaho sa mundo ang mga nang-massacre?
At kung ikaw ay isang mahirap, at lalong naghihirap dahil sa mga kurakot na nangyayari sa gobyerno, 'di ba't magtatanong ka rin kung bakit nakakalusot ang mga ito?
Ang mabigat n'yan, paano kung nakapagsisi ng mga kasalanan ang mga ito bago sila mamatay, eh, 'di makakarating pa sila sa langit?
Paano nga kung magkita kayo sa langit?
O, ang mas masaklap, paano kung makita mo sila sa langit samantalang ikaw ang nasa impyerno?
"Bakit ganoon, Diyos ko? Wala namang ginawang mabuti ang mga 'yan habang nandito sa mundo? Bakit nasa bahay Mo ang mga iyan?"
Kahit alam natin kung paano dapat magtatapos ang kwento, mahirap itong idugtong, at mas mahirap isabuhay. Pero, 'yan ang isang dahilan kaya bumaba si Kristo sa mundo. Para, 'pag sinabi ng Ama, "Magsaya tayo sapagka't namatay ang iyong kapatid at ngayo'y muling nabuhay," buong puso nating sasabihing, "Salamat sa Diyos, kapatid, at nakauwi ka."

Saturday, March 13, 2010
Kahit Ano 'Wag Lang . . .
Bilib naman talaga ako sa mga Pinoy. Ang kanilang ikinababahala ngayon ay hindi 'yung mag-a-appoint si GMA kapalit ni Chief Justice Puno kahit ipinagbabawal iyon sa Konstitusyon, o 'yung El Niño at kawalan ng tubig, o 'yung pagdami ng taong nagkakasakit ng HIV at AIDS, at ang pagmumulan ng kaguluhan sa bansa ay hindi kung dadayain ang kanilang kandidato sa darating na halalan, o 'yung patuloy na pagkawalan ng trabaho dahil sa hindi pa fully recovered ang pandaigdigang ekonomiya, o 'yung pagtaas ng presyo ng langis na susundan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa halip, ang ikinababahala ng mga Pinoy at ang siguradong gulo ay kung magkakaroon ng brown out sa laban ni Pacquiao.
Monday, March 8, 2010
Top Ten Reasons Why GMA Is Going to Visit the US, Vietnam, and Spain
GMA to visit US, Hanoi; eyes Spain - The Philippine Star
Dalawang buwan na lang at ihahalal na natin ang bagong pangulo ng Pilipinas. At ilang buwan pa pagkatapos noon siya ay manunungkulan na.
At kung walang aberyang mangyayari, si GMA ay bababa na sa pagkapangulo, ilang buwan na lang mula ngayon.
Kaya naman laking gulat ko na may pahabol na official business itong si GMA. Sabagay, 'yung iba kailangan. Tulad ng pagpunta n'ya sa Vietnam para sa isang summit ng mga heads of state ng ASEAN. 'Yung lakad n'ya sa US, eh, inimbitahan s'ya ni P'reng Barack, alangan namang hindian n'ya. At 'yung sa Spain...wala pa raw maibigay na dahilan ang Malacañang.
Alangan nga namang sina Noli at Gibo ang kanyang papuntahin; hindi na nga sila pinapansin dito sa 'Pinas, doon pa kaya sa abroad? Hindi naman n'ya pwedeng si Villar ang kanyang ipadala; hindi pa pwedeng ibulgar na secret candidate ni GMA si Manny. At lalong hindi pwede si Noynoy; i-snob-bin lang s'ya n'un.
Kaya, no other choice but her.
Pero, bakit nga ba siya aalis, ngayong paalis na s'ya sa pwesto? Eto, sa aking palagay, ang sampung dahilan kung bakit kailangan (gusto) pa n'yang maglakwatsa:
Reason Number 10
Hindi pa nakakapunta ng Spain si FG.
Reason Number 9
Naghahanap-hanap na s'ya kung saan s'ya pwedeng makahingi ng political asylum.
Reason Number 8
Sa Switzerland talaga ang punta n'ya; panggulo lang ang Spain.
Reason Number 7
Miss na n'ya ang pagkain sa 'Le Cirque'.
Reason Number 6
Nawawala ang mga lumang pictures nila ni Obama.
Reason Number 5
Para wala s'ya sa bansa kung i-anuns'yo na ang kanyang napiling papalit kay Chief Justice Puno.
Reason Number 4
Mangangampanya talaga s'ya; baka ang mga OFW ang magpapataas ng rating ni Gibo.
Reason Number 3
Mangangampanya talaga s'ya; baka ang mga OFW ang magpapataas ng rating ni Manny. (Check!)
Reason Number 2
Titignan n'ya kung gaano kabilis ang pag-angat ng Vietnam, na malapit na tayong malampansan, pagkatapos ng siyam na taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng 'Pinas.
At ang Reason Number 1 kung bakit s'ya aalis:
Wala s'yang magawa sa kanyang pera...Teka! Teka! Teka! Pera natin ang gagamitin n'ya, ah! Parang mali. Parang hindi check.
So, ano nga ba ang dahilan at aalis pa s'ya ng bansa?
Monday, March 1, 2010
Top Five Reasons. . . .
Isang kontrobersiya na naman ang lumabas noong week-end dahil sa pagbibigay ng beinte pesos ni Manny Villar sa ilang mga bata sa Batangas upang bumili ng kamote. Sinasabing ito raw ay vote-buying, nguni't itinatanggi ni Villar at ng kanyang mga kampon.
Hindi ko rin masabi kung ito nga ay isang kaso ng vote-buying o hindi, kaya heto ang tig-limang dahilan kung bakit dapat ma-disqualify o hindi (naniniguro lang po) si Villar sa pangyayaring ito.
Reason Number 5
Hindi pa naman nakakaboto ang mga batang iyon. - Manny Villar
Reason Number 4
Totoong pera ang kanyang ibinigay, hindi fake.
Reason Number 3
Malayo pa naman ang eleksyon. Pagdating ng Mayo 10, mas mararami at mas malalaki ang ibibigay ng mga tumatakbo, at malilimutan na ang ibinigay na beinte pesos ni Manny. In other words, wa epek ang ginawa n'ya.
Reason Number 2
Humihingi talaga ng limos ang mga batang iyon.
And the number 1 reason why Villar should not be disqualified
Wala namang magsasampa ng reklamo sa kanya. Sa bansang ito, kung sino pa ang nagsusumbong, siya pa ang kinakasuhan.
On the other hand...
Reason Number 5
By the Principle of Transitivity: 'Ika nga, if A = B, and B = C, then A = C. Sa layman's term, kung si Pedro may utang sa'yo ng isandaang piso, at ikaw ay may utang kay Juan ng isandaang piso, pwede mo nang tanggalin ang sarili mo at bahala na si Juan na maningil kay Pedro.
Paano pumasok si Villar dito? Kung binigyan ni Villar ang mga bata ng beinte pesos, at hindi na kinailangang magbigay ng beinte pesos ang kanilang mga magulang, nagkaroon ng extra money ang mga magulang na ito. Pwede mo nang tanggalin ang mga bata sa equation, at parang binigyan na rin ni Villar ang mga magulang ng beinte pesos.
Reason Number 4
Bad timing lang po. Kung noon pa, bago pa man pumasok si Villar sa politiko, ay ginagawa na n'ya ang magbigay ng pera sa mga bata para bumili ng kamote, o saging, o Chippy, o kung ano pa mang ipamemeryenda, lalabas na by habit ang ginawa n'ya, at walang halong politika.
Reason Number 3
It's the thought that counts. Kung tatanungin natin ang Diyos kung ano ang tunay na nilalaman ng puso ni Villar sa pagbibigay, ano ang isasagot N'ya?
Reason Number 2
Walang nakasaad sa kanilang budget na pwedeng gamitin ang pork barrel upang bumili ng kamote.
And the number 1 reason why Villar should be disqualified
Siya ang may-ari ng camote stand.

Top Five Reasons kung bakit hindi dapat ma-disqualify si Manny Villar.
Reason Number 5
Hindi pa naman nakakaboto ang mga batang iyon. - Manny Villar
Reason Number 4
Totoong pera ang kanyang ibinigay, hindi fake.
Reason Number 3
Malayo pa naman ang eleksyon. Pagdating ng Mayo 10, mas mararami at mas malalaki ang ibibigay ng mga tumatakbo, at malilimutan na ang ibinigay na beinte pesos ni Manny. In other words, wa epek ang ginawa n'ya.
Reason Number 2
Humihingi talaga ng limos ang mga batang iyon.
And the number 1 reason why Villar should not be disqualified
Wala namang magsasampa ng reklamo sa kanya. Sa bansang ito, kung sino pa ang nagsusumbong, siya pa ang kinakasuhan.
On the other hand...
Top Five Reasons kung bakit dapat ma-disqualify si Manny Villar.
Reason Number 5
By the Principle of Transitivity: 'Ika nga, if A = B, and B = C, then A = C. Sa layman's term, kung si Pedro may utang sa'yo ng isandaang piso, at ikaw ay may utang kay Juan ng isandaang piso, pwede mo nang tanggalin ang sarili mo at bahala na si Juan na maningil kay Pedro.
Paano pumasok si Villar dito? Kung binigyan ni Villar ang mga bata ng beinte pesos, at hindi na kinailangang magbigay ng beinte pesos ang kanilang mga magulang, nagkaroon ng extra money ang mga magulang na ito. Pwede mo nang tanggalin ang mga bata sa equation, at parang binigyan na rin ni Villar ang mga magulang ng beinte pesos.
Reason Number 4
Bad timing lang po. Kung noon pa, bago pa man pumasok si Villar sa politiko, ay ginagawa na n'ya ang magbigay ng pera sa mga bata para bumili ng kamote, o saging, o Chippy, o kung ano pa mang ipamemeryenda, lalabas na by habit ang ginawa n'ya, at walang halong politika.
Reason Number 3
It's the thought that counts. Kung tatanungin natin ang Diyos kung ano ang tunay na nilalaman ng puso ni Villar sa pagbibigay, ano ang isasagot N'ya?
Reason Number 2
Walang nakasaad sa kanilang budget na pwedeng gamitin ang pork barrel upang bumili ng kamote.
And the number 1 reason why Villar should be disqualified
Siya ang may-ari ng camote stand.
Subscribe to:
Posts (Atom)