Isang mambabasa ang nagbigay ng kanyang komento tungkol sa isinulat kong balak ni Noynoy ipalibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Hindi ko alam kung galit s'ya o nagbibiro, dahil kahit n'ya sinabing napaka-biased nitong aking blog at dapat maging open-minded ako, may kasunod naman smiley sa kanyang comment.
Nguni't hindi na mahalaga ang sinabi n'ya tungkol sa akin. You can't please them all, 'ika nga ng isang cliche. Ang importante'y isinulat n'ya na tama si Noynoy, dapat ngang sa Libingan ng mga Bayani mapunta si Marcos dahil s'ya ang "still best president ever been appointed as the president".
Ang problema, sinabi ni Noynoy na walang K si Marcos makatabi ang mga sundalong namatay dahil hindi inisip ang kanilang mga sarili.
Paano na ngayon 'yan? Bumaligtad si Noynoy?
Una sa lahat, malaman nga natin, ano nga ba ang sinabi ni Noynoy sa Isabela? Ayon sa official blog ni Noynoy, sinabi n'ya na dapat pag-usapan ang pagpapalibing kay Marcos sa LnmB, at kung pumayag ang nakararami, eh, 'di, ibigay ang hilig.
Ikalawa, malinaw naman kay Bongbong na ang sinabi noon ni Noynoy ay ang pagbuo ng isang komisyon upang pag-aralan ito, at hindi nag-commit si Noynoy sa anumang pagpapalibing.
At, ikatlo, sinabi ni Noynoy sa Isabela na meron s'yang sariling opinyon tungkol sa isyu, at, marahil, 'yang opinyon na 'yan ang naibulalas n'ya matapos ang selebrasyon ng EDSA 1 noong nakaraang buwan.
Kaya, lumalabas, consistent si Noynoy.
Ang kaso, kung ano-ano ang naging interpretasyon ng mga tao.
Pati ako. Kaya, mea culpa.
Ngayon, ang tanong, tama nga lang ba na ipalibing si Marcos kasama ng mga dating Pangulong Garcia at Macapagal? Ano sa palagay n'yo?
No comments:
Post a Comment