Thursday, March 18, 2010

Chief Just-tiis

May tatlong branches ang gobyerno ng 'Pinas: ang Executive, and Legislative, at ang Judicial. Ideally, pantay-pantay ang mga ito. Kaso, kung minsan, umiiral ang Golden Rule -- He who has the gold, rules. Sa tatlong branches na'to, ang Legislative ang s'yang nag-a-approve ng budget ng pamahalaan. Kaya, kung ayaw nila sa'yo, babawasan nila ang mananakaw, este, magagastos mo.

Kaso, may ilan taon na ring napapasa ang budget na hindi naman nauusisa ng mga kongresista't senador. Basta't naroon ang pork barrel nila, hindi nabawasan at sa halip ay nadagdagan pa, pasado na ang budget.

Ang Executive branch naman ang taga-patay (execute) ng mga proyektong makakatulong sa bansa.

At ang Judicial branch ang makapagsasabi kung tama o mali ang ginagawa nitong dalawa. Kaya, pwede nilang ipatigil ang anumang ginagawa ng ibang dalawang branches.

Maaari ring ipakulong ng Judiciary ang mga nasa Executive at Legislative; kasuhan lang nila ng "contempt in court", yari na ang mga ito.

Sa katunayan, hangga't hindi na-swe-swear in ang isang tao sa pagkapangulo, hindi pa siya pwedeng maupo sa pwesto. Tignan n'yo ang nangyari kina Tita Cory at GMA. Kailangang may Supreme Court Justice muna bago nasabing naging matagumpay ang People Power. Kung baga, sa aming mga Katoliko, kung walang pari, walang kasal.

Kaya rin siguro hindi naglakas-loob sina Enrile at Ramos mag-take over kay Marcos; baka nga hindi sila pansinin ng sinumang SC Justice, kahit na si Teehankee, lagot sila. Baka dedo na sila ngayon.

Kaya, kung tutuusin, ang Judiciary ang pinaka-"powerful" sa tatlong branches.

Kung baga, parang Chief Justice, the first among equals.

Pero, teka, paano yan? Eh, ang presidente ang nag-a-appoint sa mga Justice ng Supreme Court. 'Di kaya umiral dito ang "scratch my back and I'll scratch your back"? Actually, 'yan ang laging kinakatakutan ng mga tao t'wing may mababakante sa Supreme Court, lalo na kung ang bakante ay ang sa Chief Justice.

So, ibig bang sabihin, mas "mataas" ang Executive kesa sa Judiciary? Hindi naman. Siguro, ang ibig sabihin lang, mas "mataas" ang pangulo kesa sa Judiciary.

Kaya nga kay raming gustong tumakbo.

Marami nang naging usapan tungkol sa inaasahang pagkabakante ng posisyon ng Chief Justice ngayong ika-17 ng Mayo (isang linggo matapos nating ihalal ang bagong pangulo). Pero, 'yan ay moot and academic na nang magdeklara ang Supreme Court na maaaring mag-appoint si GMA kahit na kulang ng dalawang buwan na lang ang nalalabi sa kanyang termino.

Sa tingin ko, hindi naman magkakagulo ng ganito kung ang mag-de-desisyon ay kilala nating may delikadesa, may integridad. 'Yung tipong alam natin na wala namang itinatago, at ang kapakanan lamang ng bansa ang iniisip. Kaso, sa siyam na taong panunungkulan ni GMA, hindi ma-imagine ng mga tao na magiging prudent ang pagpili n'ya.

Kaya, mga giliw kong mambabasa, ating bantayang mabuti ang isang malaking desisyong ito ni GMA, kasing higpit ng ating gagawing pagbabantay sa ating boto sa darating na eleksyon.

Kasi, kung hindi, baka mabale-wala rin ang ating boto.

No comments:

Post a Comment