Monday, March 8, 2010

Top Ten Reasons Why GMA Is Going to Visit the US, Vietnam, and Spain

GMA to visit US, Hanoi; eyes Spain - The Philippine Star



Dalawang buwan na lang at ihahalal na natin ang bagong pangulo ng Pilipinas. At ilang buwan pa pagkatapos noon siya ay manunungkulan na.

At kung walang aberyang mangyayari, si GMA ay bababa na sa pagkapangulo, ilang buwan na lang mula ngayon.

Kaya naman laking gulat ko na may pahabol na official business itong si GMA. Sabagay, 'yung iba kailangan. Tulad ng pagpunta n'ya sa Vietnam para sa isang summit ng mga heads of state ng ASEAN. 'Yung lakad n'ya sa US, eh, inimbitahan s'ya ni P'reng Barack, alangan namang hindian n'ya. At 'yung sa Spain...wala pa raw maibigay na dahilan ang MalacaƱang.

Alangan nga namang sina Noli at Gibo ang kanyang papuntahin; hindi na nga sila pinapansin dito sa 'Pinas, doon pa kaya sa abroad? Hindi naman n'ya pwedeng si Villar ang kanyang ipadala; hindi pa pwedeng ibulgar na secret candidate ni GMA si Manny. At lalong hindi pwede si Noynoy; i-snob-bin lang s'ya n'un.

Kaya, no other choice but her.

Pero, bakit nga ba siya aalis, ngayong paalis na s'ya sa pwesto? Eto, sa aking palagay, ang sampung dahilan kung bakit kailangan (gusto) pa n'yang maglakwatsa:

Reason Number 10
Hindi pa nakakapunta ng Spain si FG.

Reason Number 9
Naghahanap-hanap na s'ya kung saan s'ya pwedeng makahingi ng political asylum.

Reason Number 8
Sa Switzerland talaga ang punta n'ya; panggulo lang ang Spain.

Reason Number 7
Miss na n'ya ang pagkain sa 'Le Cirque'.

Reason Number 6
Nawawala ang mga lumang pictures nila ni Obama.

Reason Number 5
Para wala s'ya sa bansa kung i-anuns'yo na ang kanyang napiling papalit kay Chief Justice Puno.

Reason Number 4
Mangangampanya talaga s'ya; baka ang mga OFW ang magpapataas ng rating ni Gibo.

Reason Number 3
Mangangampanya talaga s'ya; baka ang mga OFW ang magpapataas ng rating ni Manny. (Check!)

Reason Number 2
Titignan n'ya kung gaano kabilis ang pag-angat ng Vietnam, na malapit na tayong malampansan, pagkatapos ng siyam na taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng 'Pinas.

At ang Reason Number 1 kung bakit s'ya aalis:
Wala s'yang magawa sa kanyang pera...Teka! Teka! Teka! Pera natin ang gagamitin n'ya, ah! Parang mali. Parang hindi check.

So, ano nga ba ang dahilan at aalis pa s'ya ng bansa?

No comments:

Post a Comment