Saturday, March 13, 2010

Kahit Ano 'Wag Lang . . .

Bilib naman talaga ako sa mga Pinoy. Ang kanilang ikinababahala ngayon ay hindi 'yung mag-a-appoint si GMA kapalit ni Chief Justice Puno kahit ipinagbabawal iyon sa Konstitusyon, o 'yung El NiƱo at kawalan ng tubig, o 'yung pagdami ng taong nagkakasakit ng HIV at AIDS, at ang pagmumulan ng kaguluhan sa bansa ay hindi kung dadayain ang kanilang kandidato sa darating na halalan, o 'yung patuloy na pagkawalan ng trabaho dahil sa hindi pa fully recovered ang pandaigdigang ekonomiya, o 'yung pagtaas ng presyo ng langis na susundan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa halip, ang ikinababahala ng mga Pinoy at ang siguradong gulo ay kung magkakaroon ng brown out sa laban ni Pacquiao.

No comments:

Post a Comment